Mo? Ko? Oo?

--

Nagbago na ang lahat

Dahil sabi mo, ganito dapat.

“Maganda ka kaso…”

Palit ng damit, natutong mag palamuti

Dahil sabi mo ang tipo mo ay ganito…

Nakita ko nga ang ganda ko

Ngunit inaabot ng seisenta minuto

sa pagpili ng damit upang marinig ang segundo mong “oo”

Matapos ang unti unting pagbabago

“Maganda ba ‘to?” ang lalabas sa bibig mo

Tumutukoy ka nanaman sa ibang mong tipo

Darating ba ang araw na ako naman ang mapapansin mo?

Na ako na ang matitipuhan mo?

Ano ba ang dapat ko pang baguhin para naman ako ang mapili mo?

--

--

Franchelle Borja

I write cringey poetic rants about my non-existent love life. Mostly written in Filipino.